isang gabi.
usapang lalake.
*sindi ng yosi*
*hithit*
*buga*
Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba.
*hinga ng malalim*
Bakit ba ganun pare? ilang beses ko napinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagigingpatas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.
*tingin sa stars*
Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw samahal nya? Ang feeling ng masaktan pagnabasted?
*hithit*
Malamang-lamang siguo, hindi ano?
*buga*
Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo?
*tingin sa malayo*
Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano-ano pang diskarte ang gagawin naten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal na mahal nga natin sila.
*hit hit*
*buga*
Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, pakakainin, pagtya-tyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila.
*nag ring ang cellfone*
--hello? ah, o sige. tawagan kita mamaya. wag ka umiyak, pangit naman si Constantine eh.oo, mamaya. love you, bye.--
*sindi ng yosi*
*hit hit*
Oo tol..
*buga*
Sa trip lang nila. Wala silang pake kahit mahal talaga natin sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards, kundi uuwi ka lang na badtrip, iiling-iling, at minsan, luhaan.
*tingin sa langit*
Wala tayong magagawa, marami silang alibi..
"Hindi pa 'ko ready eh..",
"Sorry pero I think we should just be friends..",
"Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.."
"Better luck next time na lang muna, okay lang?"
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..",
"Para lang kitang kapatid e.."
... yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten. pero tol.. ano?
*hit hit*
hindi naman ata nila alam yun eh. parang sabi mo, laru-laro. chempuhan lang.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo,tayo,tayo.
*apak sa yosi*
Sila? Ummm? Teka, isipin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kungkelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat badtripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga.
*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*
Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang ganon natin sila kamahal eh, kaya di na natin iniintindi yun.
*hinga ng malalim*
Alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Iniisip kc nila, pare-pareho lang ang lahat ng lalake. Hindi lang laru-laro. Seryoso...
*tingin sa pader*
*hinga ng malalim*
*iyak*